Inihayag ni COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Ericson Oganiza na may isang kandidato sa ikalawang distrito ng Pangasinan ang binigyan ng show cause order matapos ireklamo sa vote buying.
Sa isang panayam, ibinahagi ng opisyal na hindi maaring ikalat ang impormasyon ukol sa pagkakakilanlan ng inirereklamo dahil hinihintay pa ang kanyang paliwanag.
Pagbabahagi ni Oganiza, kinakailangang dumaan sa due process ang naturang reklamo upang mapagtibay ang kakayahan nitong maging pormal na kaso saka sisimulan ang pagdinig.
Samantala, pinaalalahanan naman ng opisyal ang mga nais maging witness na panindigan ang isinampang reklamo upang mapanagot ang sinumang lumalabag sa batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









