
Papatawan ng disqualification case ang isang kandidato sa Pasay City.
Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa ambush interview sa Pateros ngayong umaga.
Ayon sa Comelec, kakasuhan nila ang naturang involve na kandidato ng disqualification at election offense dahil sa mga ilang paglabag na nangyari sa nasabing lungsod.
Hindi pa naman pinapangalanan ng Comelec, ngunit asahan iaanunsyo ito ng ahensya mamayang hapon.
Pagtitiyak ng COMELEC na inaaksyunan nila lahat ng mga reklamo o mga lumalabag sa election o Comelec Law.
Facebook Comments









