Isang Karpentero, Huli dahil sa Kasong Homicide!

Jones, Isabela – Dinakip ng mga otoridad pasado alas dyes ng umaga ang isang Karpentero matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Linamanan, Jones, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Jelvin Bacena Agustin, bente tres anyos, binata at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Agustin matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Heherson A. Casareno, 15th MCTC Jones – San Agustin, Isabela dahil sa kasong Homicide.


Nasa himpilan na ng PNP Jones ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansangP 36,000.00.

Facebook Comments