Isang kaso ng accidental firing, naitala sa Bacolod sa Araw ng Pasko

Nakapagtala ang Bacolod City Police Office ng isang kaso ng accidental firing sa araw mismo ng Pasko.

Kinilala ang 38-anyos na biktima bilang si Alyas “Jov”, isang pintor at residente ng Barangay Pahanocoy, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kaniyang kamay at hita.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente madaling-araw ng Pasko, Disyembre 25, habang nagkakasiyahan ang biktima at ang kaniyang mga kaibigan.

Ayon kay PCapt. Andro Ma-apni, spokesperson ng Bacolod City Police Office, isinailalim sa paraffin test ay ang mismo biktima at ang kaniyang mga kaibigan para malaman kung ito ay self-inflected o may imbolbadong ibang tao.

Napagalaman na walang narekober na baril ang mga awtoridad sa lugar ng insidente.

Facebook Comments