Isang katutubo patay sa pagsabog ng bomba sa Maguindanao

Isang 24 anyos na binata ang namatay matapos masabugan ng bomba sa sitio Firis sa bayan ng Datu Saudi sa lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga. Kinilala ang biktima na si Diego Met Dagadas.isang magsasaka at katutubong Teduray. Sa kuwento ng isang Jovel Tenorio, isang tribal lider pasado alas siyete ng umaga kahapon ay naglalakad ang biktima kasama ang tatlong iba pa patungo sa kanilang sakahan ng sumabog sa harapan nito ang bomba. Sa lakas ng pagsabog ay naputol ang dalawang paa at nawasak ang katawan ni Dagadas na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan.
Ayon kay Lt. Gerry Besana , Battalion Commander ng Civil Miltary Operation(CMO) ng 6th ID at spokesperson ng Joint Task Force Central ang grupo ng BIFF ang nagtanim ng bomba dahil sa nagpapatuloy na combat operation ng militar laban sa mga rebelde.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments