Isang Kawani ng LGU Cauayan City, Binigyan ng Retirement Award!

Cauayan City, Isabela – Binigyan ng retirement award ang isa sa kawani ng Local Government Unit (LGU) ng Cauayan City sa regular na flag raising ceremony kaninang umaga.

Sa harap ng city hall ay malugod na tinanggap ni ginang Libnos Utleg ang kanyang parangal na lifetime achievement retirement award bilang isang epektibong manggagawa ng Human Resource sa Cauayan City.

Nagbigay naman ng mensahe ang ilan sa mga kawani ng LGU at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na sina SP Member Egay Atienza, SP Member Gary Galutera, SP Member Arco Meris, SP Member Danilo Asirit at Sangguninang Panlungsod Member Cynthia Balayan.


Dumalo rin sa flag raising ceremony ang mga miyembro ng PNP Cauayan City, BFP, mga kawani ng LGU at maging ang pinuno ng City Planning na si ginoong Oliver Francisco.

Samantala, maaring sa mga susunod na flag raising ceremony ibibigay naman ang retirement award para kay dating City Agriculturist Rufino Arcega na nagretire kamakailan.

Facebook Comments