Isang Kawani ng LTO, Inaresto sa Loob ng Bus!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga otoridad sa isang Checkpoint ang isang LTO Liaison na matagal nang nagtatago sa batas dahil sa kinakaharap na kaso.

Sa nakuhang impomasyon ng RMN Cauayan, pasado alas singko ng hapon kahapon ng isagawa ng PNP Cauayan City ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Boomsri Sy Rodolfo ng MTC Quezon City Branch 38 laban kay Richard Sarate, 41 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Roque, Cubao, Quezon City.

Matagumpay namang naaresto ng mga otoridad sa loob ng sinasakyang bus si Sarate na may kasong 2 counts Act of Lasciviousness.


Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at nakatakdang dalhin sa court of origin nito.

Pansamantalang makakalaya si Sarate kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P36,000.00.

Facebook Comments