Isang kilalang cosmetic product, sinampahan ng kasong kriminal ng BIR

Sinampahan ng kasong kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) ang kilalang cosmetic brand “Ever Bilena Cosmetics, Inc.” (Ever Bilena).

Kasama ring kinasuhan ang corporate officers at Certified Public Accountant ng kompanya dahil sa paglabag sa Sections 254, 255, 267 at 257 ng National Internal Revenue Code of 1997.

 

Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui na kinasuhan ang naturang kompanya dahil sa kabuuang deficiency taxes na may halagang P9,316,206.88 para sa taxable years 2018 at 2021.


Sa rekord ng BIR, lumabas sa imbestigasyon na ang Ever Bilena ay may milyong purchase noong taong 2018 at 2021 pero ang katotohanan ay walang naging transaksyon at ang sinasabing purchases ay base lamang sa non-existent goods/services mula sa isang Ghost Company.

Dahil fictitious at anomalous transaction, ang Ever Bilena ay nagdeklara ng purchases na halos katumbas ng kanilang benta.

 

Ang fictitious purchases mula sa kompanya ay intended para sa over-claim deductions sa kanilang Annual Income Tax Return (AITR) at quarterly VAT returns (QVTRs) na nagreresulta ng maliit na kita na may mababang halaga ng VAT payments.

Ang naisampang kaso ay pang 23 kasong kriminal na naisampa ng pamunuan ni Lumagui sa ilalim ng Run After Fake Transactions Program ng the BIR para labanan ang fake transactions sa bansa.

Facebook Comments