Isang kilalang theme park sa Sta. Rosa, Laguna, ginawa munang vaccination site

52

Ginawa munang COVID-19 vaccination site ang isang kilalang theme park sa lungsod ng Sta. Rosa sa probinsya ng Laguna.

Ayon sa Local Government Unit ng Laguna, nagdagdag sila ng vaccination sites upang mas mapabilis ang pagbabakuna sa mga paglaki ng kanilang target population bunsod ng malaking bilang ng nagparehistrong empleyado galing sa mga industrial at techno park ng lungsod.

Dahil dito, mula sa 277, 213 na target population ay itinaas sa halos 500,000 ang target mabakunahan ng lungsod kontra COVID-19.


Kasama na ang Enchanted Kingdom sa mga inilaang vaccination sites kung saan may daily target na 2,000 vaccinees.

Samantala, wala pang kasiguraduhan kung kailan magbubukas ang naturang theme park sa publiko.

Facebook Comments