Isang kilo ng shabu na may halagang P6.8-M, narekober sa isang comfort room sa gasoline station sa Bacoor, Cavite

Narekober ng mga tauhan ng Bacoor City Police Station ang isang kilo ng shabu sa isang gasoline station sa Bacoor City, Cavite, kamakalawa.

Sa ulat ng Bacoor Philippine National Police (PNP), naglilinis ng comfort room ang Team Leader ng Shell Gasoline station na si Niño Basas, 32 anyos, residente ng Doña Alicia Ligas I, Bacoor City nang makita ang isang kilo ng shabu.

Sa ulat ng PNP, pagbukas ng toilet bowl ni Basas nang may nakita itong JRS parcel at nang buksan ay tumambad sa kanila ang isang block ng shabu na nakabalot sa kulay green na may Chinese character.


Agad na itinawag ni Basas sa Malumot Police Community Precinct sa Bacoor, Cavite ang kanyang nakita.

Sa ngayon, nasa Cavite Crime Laboratory office na ang isang kilo ng shabu na batay sa pagtaya ng PNP ay aabot sa P6.8 milyon.

Nagpapatuloy rin ang imbestigasyon ng PNP para matukoy kung kanino ang narekober na shabu.

Facebook Comments