Manila, Philippines – Sa kabila ng pahayag ng Bank of the Philippines na maayos na ang kanilang operasyon kasunod ng nangyaring system glitch o internal data processing error kung saan may mga nabawasan at nadagdagan ng pera sa kanilang mga account.
Pero sa interview ng RMN sa isang mga kliyente ng BPI na si Jomari Sy – isiniwalat nito na hindi pa rin naibabalik ang kanyang pera na nagkakahalaga ng halos dalawampung milyong piso.
Ayon pa kay ginoong Sy – taong 2008 pa ito nangyari sa kanya pero hanggang sa ngayon hindi pa rin niya nakukuha ang kaniyang pera.
Sa katunayan anya – naghain na sya ng reklamo sa Department of Justice dahil sa insidenteng ito.
Sa ngayon – nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing kaso.
DZXL558
Facebook Comments