Isang komentarista sa radyo, patay sa pananaksak sa Butuan City

Isang komentarista sa radyo ang patay matapos saksakin ng isang lasing na dispatcher sa Barangay New Society Village sa Butuan City nitong sabado.

 

Kinilala ang biktima na si Francisco Patindol na nagpo-programa sa DXJM sa nasabi ng lungsod.

 

Nagtamo si Patindol ng sugat sa kaliwang bahagi ng dibdib na siyang binawian ng buhay sa ospital.


 

Kwento ng kasama ng biktima, nag-uusap lang sila habang hinihintay ang kanilang kasamahan na nasa loob ng copy center nang biglang lumapit ang suspek na si Ola Saransamen at sinaksak si Patindol.

 

Patuloy na pinaghahanap ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa pananaksak.

Facebook Comments