Bumuo ngayon ang lokal na pamahalaan ng Dagupan ng isang komite upang matutukan ang kalidad ng tubig sa kada Barangay ng lungsod.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Ophelia Rivera, City Health Officer ng CHO Dagupan, binuo aniya ang Local Drinking Water Quality Monitoring Committee upang kanilang masiguro ang ligtas at magandang suplay ng tubig na dumadaloy sa mga kabahayan sa lungsod dahil nabanggit nito na may mga natatanggap na silang mga complaints o reklamo sa mga residente na marumi ang dumadaloy na tubig sa kanila mula sa mga water sources sa lungsod.
Layunin ng pagbuo nito ay upang maiiwas na ang mga residente na makakuha o makainom ng maruming tubig at magiging sanhi ng pagkakasakit ng mga ito kung sakali.
Ayon sa opisyal na mangunguna ang naturang komite upang siguruhin ang malinis at ligtas sa inuming tubig sa bawat Barangay sa Lungsod.
Ayon pa kay Rivera, ang pagbuo nito ay sa ilalim ng isang Memorandum Circular ng DOH.
Sa ngayon, pinapaalalahanan ng City Health Office (CHO) ang mga kapitanes sa kada Barangay na gawin ang regular na inspeksyon at monitoring upang matiyak na ligtas at malinis ang mga tubig na nagmumula sa mga water sources.
Samantala, isa sa layunin ng pagbuo nito ay dahil sa ganitong panahon ng tag-ulan ay tumataas ang bilang ng mga naitatalang mga sakit gaya ng mga water-borne diseases.

Facebook Comments