Isang kompanya ng langis sa Tokyo, magnenegosyo sa Pilipinas

Maglalagak ng negosyo dito sa Pilipinas ang Tokyo Gas Company Limited na isa sa mga kailangan ng bansa para mapalakas ang energy requirement ng Pilipinas.

Ang Tokyo Gas Company Limited ay natural gas suppliers na nakipag kasundo kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para mag negosyo sa bansa.

Sa pakikipagpulong ng pangulo sa Tokyo Gas officials sa pangunguna ng presidente at CEO nito na si Takashi Uchida, sinabi nang pangulo na naghahanap ang Pilipinas ng mix renewable energy at traditional sources ng energy para masolusyonan ang tumataas na demand nito sa industriya at mga households sa Pilipinas.


Kaya nagpapasalamat aniya ang gobyerno ng Pilipinas sa Tokyo Gas company sa tiwalang ipinakita dahil sa nakatakdang pagtatayo ng negosyo sa Pilipinas para sa ekonomiya at hinaharap ng energy supply mula sa Liquefied natural gas o LNG.

Ayon sa pangulo nararamdaman nilang nasa landas ang bansa para pagsusulong energy mix.

“And so we are encouraged that in view of Tokyo Gas that it is worth the investment then we feel that we are going down the right path for our country’s energy mix and we are grateful for that vote of confidence that you have shown by your investment in the future of the Philippine economy, the future especially of our energy supply from liquefied natural gas (LNG),” – PBBM

“And this was even before it was decided that LNG would create this large role in our energy mix because we are very much talking about the mix between renewables and traditional at the time. But now we are here now and certainly that is the most critical part of our plans for the future,” – PBBM

Paliwanag naman ni Pangulong Marcos na kailangang maghintay ang bansa para makakuha ng mga benepisyo dala ng renewable energy dahil sa ang pagtatayo aniya ng mga imprastraktura ay nagtatagal.

Facebook Comments