Isang kompanya sa Singapore, nangako ng bilyong pisong investment sa Pilipinas

Nangako ang Singapore-based multinational technology company, na Dyson Limited, ng ₱11 bilyong investment sa Pilipinas.

Ito’y para sa susunod na dalawang taon kung saan inihayag ng Presidential Communications Office (PCO) na masaya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na marinig ang interes ng Dyson Limited sa pamumuhunan sa Pilipinas.

Sinabi pa ng Pangulong Marcos, tama ang naging desisyon ng kompanya na palawakin ang kanilang negosyo kung saan napili nila ang ating bansa.


Dahil dito, makakapagbigay ng trabaho sa nasa 1,250 empleyado ang naturang investment, at makakapagsulong ng mas maraming contract manufacturing sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 2024.

Bilang tugon sa Dyson, sinabi naman ni Pangulong Marcos Jr. na ang investment na ito ay makapagbibigay ng trabaho sa mas maraming software engineers at iba pang engineering graduates.

Nakatada naman bumalik ng bansa si Pangulong Marcos matapos manood ng finals ng Singapore Grand Prix 2023 – F1 Race kung saan siya inimbitahan ni Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.

Facebook Comments