Isang komunidad sa Montalban, Rizal, binabalot ngayon ng makapal na putik

Matapos mapasok baha mula sa umapaw na Montalban River, putik naman ang problema ngayon ng mga residente ng Kasiglahan Village, Brgy. San Jose, Montalban, Rizal.

Kanya-kanyang diskarte ang mga nakatira sa Low-Cost Government Housing Project na ito na malapit lamang sa Montalban River.

Mayroong bahagi na umabot pa ang putik ng hanggang tatlong talampakan.


Ayon sa mga residente, nagkandasira ang ilan nilang mga kagamitan na hindi naisalba at hindi nailabas nang tumaas ang tubig ng hanggang bubungan ng kanilang bahay.

Pinagungunahan ngayon ng lokal na pamahalaan ng Montalban at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagtulong sa mga residente para matanggal ang makapal at malapot na putek.

Pinangangambahan nila na kapag hindi agad natanggal at mananatili ang putik sa kanilang komunidad ay baka pati mga bata ay magkaroon ng alipunga gaya umano ng nangyari nang manalasa ang Bagyong Ondoy noong 2009.

Facebook Comments