Isang kongresista, duda na sapat ang P500 para sa Noche Buena ng pamilyang Pilipino

Palaisipan kay Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon kung sa anong planeta kasya ang P500 para sa Noche Buena ng pamilyang Pilipino.

Ayon kay Ridon, hindi ito ang unang beses na iginigiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na sapat ang ₱500 para sa Noche Buena ng isang ordinaryong pamilya, ang kaibahan lang aniya ngayon ay mismong si DTI Secretary Cristina Roque na ang nagsasabing ayos at sapat na ito.

Diin ni Ridon, sa presyo ng mga bilihin ngayon ay hindi kasya ang P500 kahit sa simpleng spaghetti at keso, lalo na kung hindi lang isa ang kakain sa pamilya.

Punto pa ni Ridon, wala namang nagsasabing kailangang pagkasyahin sa P500 ang budget para sa Noche Buena.

Pero giit ni Ridon, mas mahalaga sa mga Pilipino ay tiyakin ng gobyerno na mananatiling mababa at abot-kaya ang presyo ng mga sangkap at pangangailangan para sa pagdiriwang ng Pasko.

Facebook Comments