Isang kongresista, ibinunyag ang umano’y suhulan sa ABS-CBN franchise

Ibinulgar ni House Appropriations Committee Chairman Eric Yap na sinusuhulan siya ng nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN.

Sa statement ni Yap, sinabi nito na may natanggap siyang tawag dalawang linggo na ang nakalipas at nagpapakilalang emisaryo ng giant network at hinimok na bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng ₱200 million.

Sinabi nito na hindi niya nilabas sa media ang balitang panunuhol dahil hindi naman ito sigurado kung galing nga sa giant network ang suhol at unfair din ito sa network na malalagay sa alanganin sa kanilang pangalan.


Maliban dito ay may mga balita pa ng suhulan sa mga kapwa kongresista na hindi rin niya inilabas sa media dahil sa hindi ito beripikado.

Ipinaalala naman ni Yap na buhay na buhay ang press freedom sa bansa pero responsibilidad ng mga mamamahayag na magbalita ng katotohanan.

Marami aniyang naglabasang balita at isa rito ay paglabas ng listahan ng boto kahit wala pa naman talagang nagaganap na botohan sa prangkisa ng ABS-CBN.

Facebook Comments