Isang kongresista, iginiit ang kahalagahan ng board exam sa mga propesyon na may kinalaman sa public health, service at safety

Iginiit ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin ang kahalagahan na manatili ang board exam sa ilang mga propesyon.

Ito ay kasunod na rin ng suhestyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tanggalin na ang board exam dahil marami namang pagsusulit na pinagdaanan ang mga estudyante bago maka-graduate.

Paliwanag ni Garbin, hindi pare-pareho ang mga standards at kalidad ng edukasyon sa mga kolehiyo at unibersidad kaya ang board exam ang nagsisilbing mekanismo para sa “quality assurance” na tumitiyak sa publiko na ang mga nagsipagtapos ay may sapat na kakayahan at kaalaman para mapayagan sa public practice ng kanilang propesyon.


“Sapagkat hindi pare-pareho ang standards of education sa mga colleges and universities at varied din ang quality ng mastery ng graduates, the board exams are there as a quality assurance mechanism to assure the public that the graduates allowed to engage in public practice of their profession have the basic minimum level of mastery of the subject matter covered by their professions for public practice of the professions,” sabi ni Garbin.

Tinukoy rin ng kongresista na crucial ang board exam lalo kung ang propesyon ay may kinalaman sa public service, public health at public safety.

“According to the framers of the State policy, the laws with licensure examinations and on professional conduct are crucial to the functioning of the State and the delivery of public services, ensuring public health and public safety,” idinagdag ni Garbin.

Punto pa ni Garbin, may ilang propesyon na hindi na kinakailangan ng board o licensure exam dahil ang kanilang mga trabaho ay wala namang direct at close indirect impact sa kalusugan at kaligtasan gayundin sa iba pang aspeto na may kinalaman sa state at public welfare.

“Other professions the ones without board exams do not have direct and close indirect impact on public health and public safety as well as other key roles important to the functioning of the State and public welfare,” anang mambabatas.

Isa aniya ang media sa sektor na exempted sa professional regulation ng batas dahil nakasaad naman sa Konstitusyon ang pagbibigay proteksyon sa “freedom of expression” at “freedom of the press”.

Binigyang diin pa ng kongresista na wala pang bansa sa mundo ang hindi nagpapatupad ng board exam para sa regulasyon ng kanilang mga propesyunal.

“Wala po akong alam na bansa sa Earth na hindi nagpapatupad ng board exams or other exam-based regulation of professions para sa kanilang mga propesyunal,” sabi pa ng mambabatas.

Facebook Comments