Isang kongresista, ikinadismaya ang naging hakbang ng isang unibersidad na ‘wag munang papasukin ang mga estudyante nilang Chinese nat’l

Ikinadismaya ni Anakalusugan Party List Representative Mike Defensor ang naging hakbang ng pamunuan ng Adamson University na huwag munang papasukin ang mga estudyanteng Chinese national.

Sa naging pahayag ni Defensor sa pagdalo sa media forum sa Maynila, tila may pagkadiskriminasyon ang ginawa ng Adamson lalo na at ang iba naman nitong estudyanteng Chinese ay wala naman nakikitang sintomas ng novel coronavirus.

Iginiit pa ng Kongresista na huwag sanang lahatin ang mga Chinese national dahil ang iba sa mga ito ay matagal nang nananatili sa Pilipinas.


Respetuhin din sana ng pamunuan ng unibersidad ang sitwasyon ng mga estudyante nilang Chinese at intindihin ang kalagayan ng mga ito.

Matatandaan na naglabas ng memo ang Adamson sa mga estudyante nilang Chinese na mag-self quarantine hanggang February 14, 2020 kung saan humingi naman na sila ng paumanhin at iginiit na nagkaroon lamang daw ng hindi pagkakaunawaan.

Facebook Comments