Isang kongresista, may babala laban sa paggamit ng gluta drip

Binalaan ni House Deputy Majority Leader & Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang publiko laban sa negatibong epekto ng paglalagay ng glutathione sa katawan.

Bilang dating DOH secretary ay ipinaliwanag ni Garin na ang pagkakaroon ng maputing balat ay epekto ng overdose ng glutathione at ito ang nagiging sanhi para madaling kapitan ng kanser ang isang tao.

Ayon kay Garin, hinaharang ng glutathione ang pigment cells o ang melanin na siyang protection o parang bubong na nag-aabsorb ng radiation kaya mas nagiging mas prone ang isang tao sa cancer.


Dagdag pa ni Garin, ginagamit ang glutathione ng mga cancer patient bilang immune booster habang sila ay sumasailalim sa chemotherapy para hindi madaling kapitan ng sakit subalit mayroon itong side effect.

Upang palakasin ang immune system ay pinayuhan ni Garin ang publiko na kumain ng masusustansyang pagkain, mag-ehersisyo araw-araw at magkaroon ng sapat na tulog.

Nauna rito ay tinutulan ng Department of Health ang paggamit ng glutathione para sa pagpapaputi ng balat lalo’t hindi umano inaprubahan ng Food and Drug Administration ang anumang injectable na produkto para sa pagpapaputi ng balat.

Facebook Comments