Iginiit ni bagong talagang House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez na ang gumugulong na mga hakbang para sa Charter change (Cha-cha) ay nakaayon sa batas at salig sa Konstitusyon.
Sabi ni Suarez, hindi rin totoo na ang inilipat sa unprogrammed funds ay pondo para sa infrastructure projects ng mga congressional district na hindi bahagi ng supermajority.
Tugon ito ni Suarez sa pagkwestyon ni House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Pantaleon Alvarez sa pagiging lehitimo ng nagpapatuloy na People’s Initiative para amyendahan ang 1987 Constitution kaakibat ang akusasyon na may kinalaman dito si Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Kaugnay nito ay binigyang diin din ni Suarez ang kahalagahan ng isang konstruktibong dayalogo sa Kongreso at sinabing ang mga alegasyon ni Alvarez ay layunin lang na idiskaril ang progreso hinggil dito.
Tinawag ding ipokrito ni Suarez ang mga pahayag ni Alvarez dahil dati naman aniya itong masugid umanong nagsusulong sa Cha-cha noong pagsisimula ng administrasyong Duterte.
Bunsod nito ay nananawagan si Suarez sa mga kapwa mambabatas na huwang padala sa “divisive tactics” ni Alvarez.