May mga personalidad na iminungkahi si House Ways and Means Committee Chairman and Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda para maging kalihim ng Department of Education (DepEd) matapos magbitiw si Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa binanggit ni Salceda ay sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero De Vera at Synergeia Foundation head Milwida “Nene” Guevara.
Pinuri ni Salceda ang mga nagawa ni De Vera sa sektor ng edukasyon tulad ng pagsusulong nito na mapondohan ang kolehiyo sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education program na nakatulong para marami ang makapagtapos na mag-aaral sa mga mahihirap na komunidad.
Binanggit din ni Salceda ang pagpapasible ni de Vera sa kooperasyon o ugnayan sa pagitan ng DepEd at CHED kaugnay sa pagpapatupad ng basic education programs.
Malaking bagay naman para kay Salceda ang pagtutok ni Guevarra sa mga depekto ng ating education system at kung paano ito matutugunan.