Isang kongresista, nababagalan sa takbo ng pagbabakuna sa nga estudyante laban sa COVID-19

Para kay House Deputy Minority Leader at ACT Teachers PL Rep. France Castro, “Too low and slow” o masyadong mababa at mabagal ang takbo ng pagbabakuna sa nga estudyante laban sa COVID 19.

Reaksyon ito ni Castro sa pahayag ng Department of Education o Deped na aabot lamang sa 19% ang mga estudyante sa buong bansa na “fully vaccinated” o ganap nang bakunado kontra COVID-19.

Ikinalungkot ni Castro, na nalalapit na ang pagbabalik ng “face-to-face classes” sa mga pampublikong paaralan pero napaka-baba pa rin ng vaccination rate sa hanay ng mga mag-aaral.


Bunsod nito ay iminungkahi ni Castro, na magkaroon ng ibang istratehiya ang DepEd para mapalakas ang pagbabakuna sa mga estudyante, katulad ng “house-to-house” o bahay-bahay na pagtuturok ng COVID 19 vaccine.

Suhestyon din ni Castro na gawing available ang COVID-19 vaccination at testing sa mga ekswelahan.

Mainam din para kay Castro kung may “functional clinics” ang mga paaralan kung saan may nurse at healthworkers na tututok sa kalusugan ng mga guro at estudyante.

Facebook Comments