Isang kongresista, nananawagan sa mga may nalalaman sa paggastos ng OVP fund na lumutang at maging whistleblowers

Nananawagan si Manila 6th District Representative Rolando Valeriano sa mga may impormasyon at ebidensya ukol sa maling paggamit ng pondo ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na lumutang at maging whistleblowers.

Mensahe ito ni Valeriano, kaugnay sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay ng ginawang paggastos ng OVP.

Ayon kay Valeriano, maaring makipag-ugnayan ang mga potensyal na whistleblowers sa kanya o kaya ay sa mga miyembro at chairman ng komite na si Manila 3rd District Representative Joel chua.


Ang pagdinig ng komite ay nag-ugat sa privilege speech ni Valeriano na bumabatikos sa pagtanggi ni VP Sara na sagutin ang tanong mga kongresista sa pagtalakay sa mahigit 2-bilyong pisong OVP budget para sa 2025.

Nakakabahala para kay Valeriano ang kawalan ng transparency sa paggamit ng OVP ng pondo nito.

Facebook Comments