Sinupalpal ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Representative Janette Garin ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na may mali ang gobyerno sa paggamit ng pondo na tinangka niyang itama noong nitong bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) pero wala siyang nakuhang suporta.
Para kay Garin, ang pahayag ni Duterte ay nagpapakita ng pagiging reklamador nito at malinaw na kawalan ng direksyon at sablay na sistema ng pamamahala sa DepEd.
Ipinunto ni Garin, na wala tayong mararating kung paiiralin ang pagtuturo at paninisi kaya mas mainam sana kung inilutang ni VP Sara ang usapin noong siya pa ang kalihim ng DepEd upang nakagawa sya ng pagbabago.
Iginiit din ni Garin ang kahalagahan na magkaroon ng pananagutan sa paggugol ng pondo ng Deped.
Tinukoy ni Garin ang lumabas sa budget hearing na sa panahon ni Duterte sa d DepEd ay tumambak lamang ang mga binili nitong textbook, school furniture, learning material, IT hardware na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso sa halip na napakinabangan sa mga pampublikong paaralan.