Isang kongresista, planong kwestyunin sa Supreme Court ang people’s initiative para sa Cha-cha

Plano ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez na maghain ng petisyon sa Supreme Court na kumukuwestyon sa people’s initiative para isinusulong na pag-amyenda sa konstitusyon.

Ayon kay Alvarez, naghihintay pa siya ng tamang panahon para sa gagawing pagdulog sa kataas taasag hukuman.

Binanggit ni Alvarez na hihintayin muna nyang matapos ang pangangalap ngayon ng pirma para sa people’s initiative at ang gagawing verification dito ng Commission on Elections (COMELEC).


Inaasahan ni Alvarez na kayang-kayang makamit ang kailangang porsyento o lagda mula sa mga botante dahil sa alegasyon may kapalit umanong pera ang paglagda.

Facebook Comments