Umaasa si House Ways and Means Committee Chairman and Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na hindi maaapektuhan ang buong internet gaming licenses (IGLs) ng pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Paliwanag ni Salceda, ang POGO ay ang koleksyong nakukuha mula sa POGO ay maliit na bahagi lamang ng nakokolekta ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) revenues mula sa IGLs.
Binanggit ni Salceda na ang lahat halos ay maaring maglaro at gumamit ng IGL o internet gaming.
Kaya panawagan ni Salceda sa gobyerno, tutukang mabuti ang pagkakaiba ng IGLs sa POGO.
Bago ang SONA ni PBBM ay magugunitang ilang ulit na iginiit ni Salceda, na mas mabuting panatilihin ang mga lisensyadong POGO kung saan nakakakolekta ang pamahalaan at tugisin o ipasara lamang ang mga iligal na POGO.