Isang kongresista, umapela kay VP Sara na pakalmahin ang kanyang amang si PRRD sa pag-atake kay PBBM

Umaapela si House Committee on Muslim Affairs Chairperson at Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo kay Vice President Sara Duterte na tumulong sa pagpapakalma sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Dimaporo, bilang miyembro ng gabinete sana ay pahupain ni VP Sara ang pagbanat ni PRRD kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Dimaporo, dapat ay kapayapaan ang mangibabaw kaya siya ay umaasa na tutulong si VP Sara upang mapahupa ang pag-atake ng kanyang ama laban kay Pangulong Marcos dahil hindi ito nakakatulong kaninuman.


Facebook Comments