Umaapela si Camarines Sur 2nd District Rep Luis Raymund Lray Villafuerte Jr., sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang nakatakdang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) 1 at 2 sa Agosto habang maghahain din ng petisyon para sa fare increase ang Metro Rail Transit-Line 3.
Diin ni Villafuerte, pabigat ang planong taas-pasahe sa mga pasahero na karamihan ay pangkaraniwang manggagawa na hindi sapat ang sahod.
Giit ni Villafuerte, hindi pa nakababawi ang mga commuters sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo.
Hindi inaasahan ni Villafuerte ang pagpapatupad ng taas sa pamasahe makalipas ang dalawang buwan matapos i-utos ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na ito ay suspendihin.
Pinuna rin ni Villafuerte na bukod sa taas sa pasahe ay unang tinanggal ng DOTr ang Libreng Sakay ng sa EDSA Carousel kaya kanyang tanong kasunod na ba sa hakbang ang pagtanggal sa diskwento sa pamasahe ng mga estudyante.