Isang kongresista, umapela sa Senado na ipasa na rin ang panukalang pag-renew sa prangkisa ng Meralco

Nananawagan si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa Senado na ipasa na rin ang panukalang magbibigay sa Manila Electric Company (MERALCO) ng panibagong prangkisa para sa susunod na 25 taon.

Panawagan ito ni Salceda sa Senado makaraang aprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 10926 o panukalang mabigyan muli ng prangkisa ang Meralco.

Ayon kay Salceda, maaasahan ang serbisyo ng Meralco at malaki ang naitutulong nito sa pag-unlad ng ating ekonomiya.


Sa katunayan, ayon kay Salceda, kung ang lahat ng power supply distribution utilities sa bansa ay magiging kasing-husay ng Meralco ay tiyak makakakuha tayo ng dagdag na ₱204.29 billion na net gross value kada taon.

Binigyang-diin pa ni Salceda na base sa pagbusisi ng kamara ay lumabas na nasunod ng Meralco at natupad ang mandato nito at ang itinatakda ng kasalukuyang prangkisa nito.

Facebook Comments