Isang kongresista, umapela sa Senado na suportahan ang panukalang mandatory citizen service training with optional ROTC

Nananawagan si Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa Senado na aprubahan na ang panukalang batas na magpapatupad sa Kolehiyo ng citizen service training with optional ROTC o Reserve Officers’ Training Corps.

Pasado na sa Kamara ang naturang panukala o ang House Bill No. 6687 na layuning magpatupad ng “national citizens service training program o NCSTP na may kasamang community service-oriented activities tulad ng relief and rescue, at mobilization tuwing may trahedya at mga kalamidad.

Diin ni Rodriguez, ang panukala ay hindi nakatuon sa military enlistment preparation.


Ang apela ni Rodriguez sa Senado ay kasunod ng resulta ng survey ng Catholic Educational Association of the Philippines na nagsasabing 53 percent ng senior high school student-respondents ang tumutuligsa sa panukalang buhayin ang school-based military trainining.

Binanggit ni Rodriguez na base sa panukala, magkakaroon ng isang inter-agency technical na pangungunahan ng Commission on Higher Education o CHED na siyang maglalatag ng NCSTP curriculum.

Ang CHED katuwang ang Department of National Defense ay babalangkas naman ng “optional ROTC” program na may kasamang limang buwan na officer leadership course.

Facebook Comments