Isang konsehal nabaril patay pagkatapos ng Flag Ceremony

479

iFM Laoag – Nagluluksa ang mga opisyal ng Sarrat, Ilocos Norte matapos nabaril-patay ang kanilang konsehal pagkatapos ng flag ceremony kaniang umaga.

Nakilala ang biktima na si Konsehal Apolonio Medrano, 69 taong gulang at nakatira sa Brgy. 1, San Joaquin sa nasabing bayan. Binaril si Medrano ng hindi pa nakikilalang mga suspek na nakasakay sa isang motorsiklo.

Ayun sa initial na imbestigasyon, pagkatapos ng flag ceremony, pumunta ang konsehal sa kanyang sasakyan at dito na tsinambahan ng mga suspek ta binaril ito sa katawan.


Itinakbo ito sa pinakamalapit na hospital ngunit dineklara itong dead on arrival. Agad namang nagpasa ng resolution ng pagdadalumhati ang Philippine Councilors League Ilocos Norte hinggil sa sinapit ng konsehal.

Maaalalang tatakbo ito sa susunod na halalan. Kilala rin si Medrano bilang dating pulis sa lalawigan at nagsilbi bilang intelligence officer ng mahabang panahon. | via Bernard Ver

Facebook Comments