Nagbitiw sa pwesto bilang konsehal si Mark Anthony Ducusin ng San Fernando City, La Union ngayong Disyembre.
Ayon sa opisyal na pahayag, itutuon umano ni Ducusin ang kanyang buong atensyon sa kanyang adbokasiya sa kabataan, edukasyon sports kahit wala na umano ito sa posisyon.
Hindi rin umano paglayo sa landas ang kanyang naging desisyon kundi pagpapalawak pa ng kanyang misyon sa serbisyo publiko.
Nagsimulang maglingkod sa publiko si Ducusin bilang SK President at nakakuha ng pwesto sa konseho noong 2022 at ngayong 2025 Midterm Elections at itinalaga bilang pinuno ng Provincial Youth, Education and Sports Development Office ng La Union.
Isa rin si Ducusin sa mga naging bokal sa Sangguniang Panlalawigan ukol sa naging mainit na usapin sa HIV at AIDS matapos ang umano’y maling impormasyon ng sakit mula sa isang regional media entity.
Sa kabila ng kanyang pagbibitiw, bumuhos naman ang suporta ng mga Ilocano sa mambabatas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









