Isang Korean fugutive, arestado sa Muntinlupa City

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang Korean fugitive sa Alabang, Muntinlupa City.

 

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Associate Commissioner Atty. Jose Carlitos Licas, nagbubuhay hari sa bansa ang puganteng si Ma Yoonsik at naninirahan sa isang 5 star hotel sa Makati City.

 

Aniya, kabilang si Ma sa top priority target ng Korean government matapos nitong tangayin ang halagang dalawapung bilyong piso mula sa kaniyang mga kababayan.

 

Bukod sa suspek, inaresto rin ng BI ang bodyguard ni Ma na isa ring Korean.

 

Tiniyak naman ng Korean police na susuriin nila ang cellphone ng suspek para matukoy ang mga kasabwat ni Ma para mailipat ang nasabing halaga ng pera.


Facebook Comments