Isang Korean nat’l na nagbebenta ng mga pekeng gold bar, arestado!

Manila, Philippines – Hinuli ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Korean national na nagbebenta umano ng pekeng gold bars.

Ayon kay NBI Special Action Unit Chief Atty. Emeterio Dongallo, inaresto ang suspek na si Kim Han matapos magbenta ng pekeng gold bar sa isang operatiba sa halagang P5.5 milyon.

Aniya, modus ni Kim na mambiktima ng kapwa Koreano na nakabase rin sa Pilipinas.


Itinanggi naman ni Kim ang mga paratang at sinabing unang beses lang niyang magbenta nang makipagtransaksiyon sa operatiba ng NBI.

Nahaharap sa kasong estafa si Kim habang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga kasabwat niyang Pilipino at Koreano.

Facebook Comments