Isang Koreano at apat na Pinoy, arestado dahil sa kasong syndicated estafa sa Malate, Manila

Huli sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang Koreano at apat na Pinoy sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Ayon kay PNP-AKG Director Police Brigadier General Jonnel Estomo, humingi sa kanila ng tulong ang isang Koreano na si Kyeong Hun Rhee.

Ito ay matapos na mabiktima ng limang suspek ang kanyang kaibigang Koreano rin na si Gye Sung Man.


Sa pag-iimbestiga ng PNP-AKG, niyaya umano ng limang suspek ang biktima na maglaro ng casino sa Paranaque City at sinabihang dalhin ang kanyang cash na aabot sa 250,000 US Dollars o 12 million pesos.

Pangako ng mga suspek sa biktima magiging doble pa ang kanyang pera sa paglalaro ng casino.

Pumayag naman ang biktima kaya inilagay sa isang metallic box ng pera nito at isinira ng nga suspek sa harap ng biktima gamit ang tape.

Ngunit nang malingat ang biktima ay pinalitan ng mga suspek ang metallic box at nagpaalam sandali sa biktima may pupuntahan lang sa malapit na establishment.

Ilang oras ang lumipas hindi na bumalik ang mga suspek at nang i-check ng biktima ang laman ng naiwang metallic box ay one dollar bills na lang ang kanyang nakita.

Agad na ikinasa ng PNP-AKG ang entrapment operarion at nahuli sina Choi Donguk, Korean national at mga Pinoy na sina Ken Montemayor, Venice Gana Gonzales, Shirly Bacani at Jaimee Antonio.

Facebook Comments