Isang kotse na tila humaharurot sa dalampasigan ang pinara ng mga personnel ng environmental conservation group sa mismong turtle nesting site sa San Juan, La Union, kahapon.
Ayon sa grupo, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang sasakyan sa dalampasigan sa kasagsagan ng nesting season ng mga pawikan dahil sa panganib na mapisa ang mga itlog o masira ang pugad ng mga pawikan lalo at ilang specie nito ang naitala bilang endangered o critically endangered.
Iginiit din na anumang pinsala sa mga pugad ng mga nangingitlog na pawikan ay maaring makasuhan sa ilalim ng Republic Act 9147 at ilang mga lokal na ordinansa.
Hinikayat ng grupo na agad isangguni sa awtoridad ang anumang kahalintulad na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









