Isang kumpaniya sa Sweden, nag-aalok ng microchips implant sa kanilang mga empleyado

Manila, Philippines – Inaalok ngayonng isang technology company sa Stockholm na magkaroon ng microchip sa kamay ang kanilang empleyado.

Ayon sa kumpaniyang epicenter, kanilang ikinakabit ang microchip na kasing-laki lamang ng buti ng bigas upang mas mapadali daw ang mga access nila sa bangko, shopping mall, trains at iba pang gadget na kanilang pag-aari.

Sa 3,000 na empleyado umabot sa 150 na empleyado ang sumubok na magpa-inject ng microchip at nagsimula ito noong 2015.


Base sa co-founder at CEO ng epicenter na si Patrick Mesterton, naisip nila ito para mas mapagaan at hindi mahirapan ang buhay ng kanilang mga empleyado.

Sa pagkumpas lang ng kamay mabubuksan na ang pinto kahit walang access card, makakapagprint at makaka-order ka din ng pagkain sa cafeteria at higit sa lahat, hindi mo na kailangan ng magdala ng pera kaya’t siguradong iwas holdap ka.

DZXL558

Facebook Comments