Hihingi ng tulong mula sa local coconut farmers ang isang kumpanya sa Davao para sa exportation ng mga buko papuntang China.
Ayon sa Department of Agriculture Region 11, target ng Eng Seng Food Products na mabuo ng 60 containers ng buko kada linggo.
Pero dahil sa kakulangan ng supply, binabaan nila ito sa 15 container
Sa tulong DA-11 at Bureau of Plant Industry, nakapagpadala sila ng 48 tonelada o 36,000 piraso ng young aromatic coconut sa Southern China nitong nakaraang linggo.
Tutulong din ang DA sa pagtatag ng koneksyon sa mga coconut farmers.
Handa ring tumulong ang Philippine Coconut Authority (PCA) na magbigay ng binhi at technical assistance sa mga interesadong coconut farmers.
Facebook Comments