Naniniwala ang Trade Union Congress of the Philippineso TUCP na ang pagkasawi ng isa pang OFW ay pagpapakita na hindi pa bumubuti ang safe working environment sa Kuwait sa kabila ng kasunduan nito sa gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, walang ibang angkop na reaksyon dito ang gobyerno kundi magparating ng katulad na protesta nang mangyari ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Aniya, dapat igiit ng gobyerno sa Kuwaiti government na bigyan ng hustisya ang pinakahuling pagkamatay ng ating kabuhayan.
Ani Mendoza, hanggat hindi natutugunan ng pamahalaan ang mababang pasahod, pangit na kondisyon sa paggawa at isyu ng ENDO sa bansa, marami pa sa ating mga kababayan ang makikipagsapalaran sa labas ng bansa at malalantad sa panganib ang kaligtasan.