ISANG LABORER, NAARESTO SA LUNGSOD NG ILAGAN

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang lalaking tinaguriang Top 4 Regional Most Wanted Person ng PRO MIMAROPA matapos ang operasyong isinagawa ng Mammangi Cops sa Brgy. Guinatan, Lungsod ng Ilagan, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Ramil”, 34-anyos, isang laborer at residente Brgy. Ginablan, Romblon, Romblon.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte noong ika-31 ng Hulyo para sa apat na bilang ng kasong Statutory Rape, na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala naman si alyas “Ramil” sa himpilan ng Ilagan Component City Police Station para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan.

Pinangunahan ng Ilagan Component City Police Station ang operasyon katuwang ang Romblon Municipal Police Station, PIT-Isabela, Regional Intelligence Unit 2, Provincial Intelligence Unit, at Isabela Police Provincial Office.

Facebook Comments