Isang lalaki, arestado sa buy bust operation

Zamboanga Del Sur, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation sa Barangay Calolot, Tambulig Zamboanga Del Sur.

Sa ulat, nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Tambulig PNP sa suspek na si Bethoven Constino na bibili ng iligal na droga.

Hindi naman na nakapalag pa ang suspek nang sunggaban siya ng mga pulis matapos ang palitan ng pera at droga.


Bukod sa buy bust money, dalawang pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Ang nasabing suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa ra 9165 o Comprehensive Dangerous Drug act of 2002.
DZXL558

Facebook Comments