Isang lalaki, arestado sa buy bust operation sa Pasig City

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation sa Barangay Pineda, Pasig City.

Sa ulat, nagpanggap na poseur buyer ang isa sa mga tauhan ng station drug enforcement unit ng Pasig PNP sa suspek na si Richard Cristobal na bibili ng iligal na droga.

Hindi naman na nakapalag pa ang suspek nang sunggaban siya ng mga pulis matapos ang palitan ng pera at droga.


Bukod sa buy bust money, apat na pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Facebook Comments