Isang Lalaki, Arestado sa Pangingikil!

42

*San Mateo, Isabela-* Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki matapos mangikil ng pera sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Roger Albano, 59 anyos, may asawa at residente ng Salinungan East, San Mateo, Isabela habang ang biktima ay si Catalina Dizon, 64 anyos, residente naman ng Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa PNP San Mateo, nadakip si Albano sa ikinasang Entrapment Operation ng mga kasapi ng PNP San Mateo dahil sa panghihingi nito ng mahigit kumulang dalawampung libong piso sa biktima na bayad umano nito sa kanya upang ayusin ang mga dokumento kaugnay sa kinakaharap nitong problema sa lupa.

Samantala, nakalaya na rin kahapon ang suspek matapos makipag aregluhan ang biktima at hindi na nagsampa ng kaso laban kay Roger Albano.

Facebook Comments