Isang Lalaki, Arestado sa Panloloob ng Bahay!

*Sta. Maria, Isabela-* Arestado ang isang lalaki matapos manloob at magnakaw sa isang bahay sa Brgy. Calagui North, Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Eduardo Castro, 26 anyos, habang ang biktima ay si Belen Mansibang, 39 anyos, kapwa residente ng Calamagui North, Sta. Maria. Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, napag-alaman na nitong araw ng Linggo ay iniwan ng biktima ang bahay nito at nagtungo sa bahay ng kanyang mga magulang sa Brgy. Bangad Sta Maria Isabela.


Pasado alas singko ng hapon sa parehong araw, nakita ng kapitbahay ni Mansibang na si Gina Fajardo na pumasok ang suspek sa bahay ng biktima.

Nang makauwi sa bahay ang biktima ay nakita na lamang ang mga nagkalat na gamit at damit sa loob ng kanyang kwarto.

Napag-alaman rin ng biktima na nawawala ang kanyang pera na nasa humigit kumulang labinlimang libong piso na kanyang itinago sa loob ng durabox.

Agad namang humingi ng tulong sa PNP Sta Maria ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Eduardo Castro para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments