Isang lalaki, bugbog sarado matapos magtangkang manghalay

Baguio, Philippines – Siguraduhing sarado ang mga pinto
Isang lalaki ang pumasok sa isang tahanan sa Barangay Aurora Hill Bugallon street sa siudad ng Baguio nitong araw ng lunes, Setyembre 18, 2017. Ayon sa mga saksi diumanoy umaaligid ang lalaki sa labas ng nasabing bahay bago ito pumasok. Tila langgo sa alak at parang nakagamit ng ipinagbabawal na droga ang suspek ayon sa isang saksi, nakarinig na lamang sila ng isang malakas na sigaw mula sa kwarto ng biktima mag-aalas dyes ng gabi. Ayon sa mga nakakita diumanoy tumakbo palabas ang suspek habang hinahabol ito ng kapatid at tatay ng biktima. Sa galit ng mag-ama ay nabugbug nila ito, nahampas ng bato at binagsakan pa ng hollow blocks sa dibdib ang suspek. Agad naman nakaresponde ang mga kapulisan malapit sa lugar.
tag: Luzon, Baguio, DWHB, 103.9, iFMBaguio, Aurora hill Bugallon, Mag lock ng pinto

Facebook Comments