Isang lalaki, Huli sa Buy Bust Operation!

179

Naguilian, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong pagbebenta ng marijuana sa Barangay Magsaysay, Naguilian, ala una y medya kanina, Marso 7, 2018.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Jay-Jay, 29 anyos, traysikel drayber at residente ng Baraangay Magsaysay, Naguilian Isabela.

Sa eksklusibong pagtutok ng RMN Cauayan News Team sa imbestigasyon ng PDEA at PNP Naguilian, nahuli ang biktima matapos bentahan ang isang agent na nagpanggap na bibili ng marijuana na naging dahilan ng kanyana pagkakadakip.


Nakumpiska mula Kay Jay-jay ang dalawang plastik ng marijuana at isang piraso ng limangdaang piso na ginamit bilang mark money.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Naguilian ang suspek at sinubukang kuhanan ng impormasyon ngunit tumanggi namang magbigay ng pahayag.


Facebook Comments