Isang Lalaki, Huli sa kasong Estafa!

69

City of Ilagan, Isabela – Dinakip ang isang lalaki matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. San Juan, City of Ilagan, Isabela.


Kinilala ang naaresto na si Warlito Tabal Domingo, kwarentay kwatro anyos, may asawa at residente ng Brgy. San Lorenzo, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Ilagan si Domingo sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo B. Dizon ng RTC Branch 18, 2nd Judicial Region, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Estafa.

Nasa himpilan na ng PNP Ilagan ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng labing dalawang libong piso.

Facebook Comments