Isang Lalaki, Huli sa Kasong Pagnanakaw!

*Roxas, Isabela- *Arestado ang isang lalaki na may kasong Qualified Theft matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Sitio Karagsakan Brgy Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Agustin Cervera, 30 anyos, tubong Anda, Pangasinan na nakatira sa Sitio Karagsakan Brgy. Rizal, Roxas, Isabela

Si Cervera ay inaresto ng mga kasapi ng PNP Roxas sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Br 23, Roxas, Isabela.


Nasa pangangalaga na ng PNP Roxas ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng P40,000.00.

Facebook Comments